Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III has called on Filipinos, especially government officials, to unite against hunger by helping farmers produce more food, earn a decent living and build more secure livelihoods for their families.
“All together, let’s fight hunger,” Estrella said on Monday, Nov. 23, urging officials to work together on the needs of farming communities.
“Ang gusto ko lang awayin talaga, yung gutom,” he said.
Estrella said efforts should focus on securing stable livelihoods for farmers and enough food for families rather than quarrelling with one another.
The appeal comes as food insecurity continues to affect a substantial share of the population.
A more recent Social Weather Stations survey found that 22.6 percent of Filipino families experienced involuntary hunger in September, up from 20.3 percent in June and above the 21.1 percent annual average recorded during the pandemic in 2020.
Estrella said DAR’s contribution to fighting hunger includes securing farmers’ land rights, supporting production, relieving qualifying agrarian debt and helping beneficiaries earn more.
He emphasized that achieving food security requires improving the welfare of the farmers who produce the nation’s food. Farming households need resources to cultivate their land, but they also need income to buy food and meet other everyday expenses.
“Ang pangarap ko sa magsasaka ay magkaroon sila ng karagdagang kita,” Estrella said.
He described farmers as consumers as well as producers, explaining that higher farm incomes can support businesses and employment beyond agriculture.
When farmers earn more, he said, they can spend more on household needs, supporting local businesses and keeping money moving through the wider economy.
FILIPINO
*GUTOM ANG KALABAN! Estrella: Magkaisa para sa pagkain at kabuhayan*
Gutom ang awayin, kapakanan ng magsasaka ang unahin.
Ito ang panawagan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III sa mga Pilipino at opisyal ng pamahalaan, kasabay ng paghimok na ituon ang lakas sa pagtulong sa mga pamilyang nagtatanim ng pagkain ng bayan.
“Ang gusto ko lang awayin talaga, yung gutom,” aniya.
Para sa kalihim, dapat ituon ang lakas sa matatag na kabuhayan ng magsasaka at sapat na pagkain ng mga pamilya sa halip na magbangayan.
Malaki pa ang hamon sa hapag-kainan ng mga Pilipino.
Sa mas bagong survey ng Social Weather Stations, 22.6 porsiyento ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger o pagkagutom dahil walang makain noong Setyembre. Mas mataas ito sa 20.3 porsiyento noong Hunyo at sa 21.1 porsiyentong taunang average noong 2020, kasagsagan ng pandemya.
Sinabi ni Estrella na nakatutok ang DAR sa seguridad sa lupa, suporta sa produksyon, pag-alis sa kwalipikadong utang sa agraryo at pagpapalago ng kita ng mga benepisyaryo.
Binigyang-diin niyang kailangang umangat ang kalagayan ng mga nagtatanim ng pagkain para makamit ang food security.
Kailangan ng mga magsasaka ng puhunan at kagamitan sa bukid. Kailangan din nila ng kitang maipambibili ng pagkain at maipangtutustos sa araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
“Ang pangarap ko sa magsasaka ay magkaroon sila ng karagdagang kita,” ani Estrella.
Paliwanag niya, hindi lang tagapagtanim ang mga magsasaka—mamimili rin sila.
Kapag mas malaki ang kanilang kita, mas may pambili ng mga pangangailangan sa bahay, aniya. Nakikinabang din ang mga lokal na negosyo at mga manggagawa dahil patuloy na umiikot ang pera sa ekonomiya.
